Wednesday, 29 May 2019

Akala ko faithful, hindi pala!


 

For more stories CLICK HERE

 

 

 






Akala ko faithful, hindi pala!


By the way this is not my story, I just want to share an experience. So define ko muna yung 'faithfulness', ito para sakin yung kahit hindi mo kaharap yung taong mahal mo ay hindi mo sya ikakaila! Faithfulness is not just being loyal, ito yung may nakatingin man o wala willing ka pa ring sabihin na may girlfriend ka. So here it goes, bilang isang dakilang user ng social media ay hindi maiiwasan na meron akong real life couple na iniistalk. Yun bang pag nagtayo sila ng fan base e baka ako na yung president sa dami ng alam ko sa relationship nila. Masyado kasi silang open in Facebook to the point na ultimo simpleng pag-aayaw, lambingan, tampuhan e ipopost sa facebook. Syempre nga lagi kong nakikita yung mga pagmemention nila sa isa't isa at mga sweet pictures nila kaya pamilyar na ko sa mga faces nila. Si Ate Girl kasi e schoolmate ko dati while si Kuya Boy ay kapatid nung kakilala ko. Matagal na sila actually, at nagkahiwalay na rin sila before pero nagkabalikan naman. One time, nagpatawag ng orientation para sa mga iskolar, dun sa event ay meron ding tshirt giving, kakemehan ng mga kandidato. Dun ko nalaman na si Kuya Boy pala ay isang iskolar. Para maclaim yung shirt kelangang pumila alphabetically, and it happens na ako at si Kuya Boy ay parehas ng surname. So magkasunuran lang kami, nauuna sya. May tatlong papel dun, parang attendance na pipirmahan. Tapos pagkasign nya sa isa e yayagyag na agad sya. Sabi nong coor e "Iho, san baga ang iyong tungo? Hindi pa tapos e paalis na agad , ikaw baga' y inaantay ng iyong girlfriend? Aba'y madaling madali e." Then he answered with a serious tone, "Aba'y wala nga hong girlfriend! Wala hong nag-aantay." I was a little bit shocked, hindi ko alam na wala na pala sila. Although it's not their responsibility naman na ipaalam sa akin e nalungkot pa din ako. So after kong makuha yung shirt ko e inistalk ko e ate girl. Then nakita ko na bio pa pala nya sa account nya si Kuya Boy at yung featured photo e silang dalawa. Yah, maybe it's just a little thing pero sobra akong nadisappoint kay Kuyaa. Yung mga posts nya kasi sa social media almost tell me na he loves his girlfriend so much. Pero kung itanggi nya sa ibang tao e sobra sobra. Di ba, nakakatakot akong maging facebook friend kasi napakastalker koo. Don't worry, harmless naman ako. Hindi lang talaga ako mapanatag knowing na nasaksihan ko kung paano sya itinggi nung boyfriend nya. Like what I've mention, I know ate girl and she is indeed a great woman. Mabait, maganda, matalino. At si kuya boy naman ay may itsura, hindi ko lang sure kung mabait or kung matalino, pero siguro matalino sya, iskolar e. Hahahahha.
To all the ate girls right there, I really salute you for trusting your man, with or without assurance. I just hope that you really get the love you deserve. Wishing for your happy ending ❤️
And to all the Kuya Boys right there, I know na hindi naman lahat kagaya nung kakilala ko, pero I hope na sinusuklian nyo ng todo todong honesty yung trust na binibigay sa inyo. Always stay faithful, not just loyal. Itaas nyo ang bandera ng kalalakihan at ipakitang mali na nagkakaroon ng stereotyping sa gender nyoo. Ipakita nyo na hindi lahat ng lalaki e manloloko at nagloloko πŸ˜‰
Anyways, I'm sharing this hindi dahil gusto kong magkaroon kayo ng doubt sa partners nyoo. I just want you to live with the reality na hindi lahat faithful. Pero never be afraid of trusting people. Hindi naman lahat kagaya ni Kuya Boy.

 

For more stories CLICK HERE

 

 

 

The One That Got Away



For more stories CLICK HERE 

"The One That Got Away"                                                       Bubbles πŸ’™ 2019  
Hi, please let me tell you my story, our story. But please admins, if you are going to post this one, please hide my identity. Thank you in advance.
We were grade two when we first met each other. We were classmates back then. Hindi kami close, hindi rin kami madalas magkausap. Hindi nga namin narealize na magkaklase kami hanggang grade six kami. When we were on our last years in elementary, we suddenly become closr to each other. We became friends. Siguro dahil 'yung mga friends niya ay naging friends ko na rin. In short, naging magbarkada kami, ganon. Super naging close kami, until one day, narealize ko na lang ma crush ko na pala siya. Simpleng crush lang iyon, noon. Naalala ko na sabay pa kaming nag exam sa isang school dahil napag usapan namin na sa highschool, pareho kami ng school na papasukan. Pero, yung mommy ko kasi, sa iba ako inenroll. He was sad. Nagtampo pa siya sa akin noon. Pero the communication was still there. Uso na noon ang facebook chats kaya hindi mahirap makipagcommunicate sa kanya. Nang mag second year highschool kami, aaminin ko na hindi na ganoon kadalas ang pag uusap namin. Syempre, magkaiba kami ng school, magkaiba na rin kami ng friends. Third year ako nang sinabi ng mama ko na uuwi na kami sa probinsya nila. To make the long story short, 4 years kaming walang balita sa isa't-isa. Last year, nag usap usap yung mga kaklase ko na bakit daw hindi kami mag reunion, we all agreed. And there, after years, nakita ko ulit siya. Pakiramdam ko mas guwapo siya. We bond, nakapag usap kami nung reunion at kahit pagkatapos ng reunion namin, madalas parin kaming nag uusap. Consistent yung good morning at good night messages. Until, isang araw, sinabi niya sa akin na liligawan niya daw ako. Noong una, ayoko talaga. Hindi ako komportable at hindi ako sanay. Pero mapilit siya. Hihintayin niya raw ako. Natuwa ako. Umasa. And for months, napatunayan naman siya na maghihintay siya. Pero talaga yatang hindi pa ako handa dahil nang isang beses na tanungin niya ako kung kailan ko siya sasagutin ay sinabi kong hindi ko alam. I know, he's been waiting for too long, or not. Kasi 5 months pa lang naman. Kumbaga nagsisimula pa lang naman kami. Nagsisimula pa lang siyang patunayan ang sarili niya. Pero sabi ko, kung hindi na siya makakapaghintay, itigil na lang niya. Tigilan na lang muna namin. It was a hard decision for me dahil alam ko naman na gusto ko siya. Pero masama ba kung paghintayin ko pa siya ng mas matagal? Pero ayun nga, he stopped courting me. Few weeks after, nalaman kong may girlfriend na pala siya. Nasaktan ako noon. Kasi gusto ko naman talaga siya eh. Maaaring hindi ko nasabi agad, pero alam ko, naiparamdam ko sa kanya iyon. Madalas naiisip ko na baka nga kasalanan ko, kasi pimnaghintay ko siya. Hindi man katagalan, pero alam kong walang kasiguraduhan kaya nagsawa siya. Masakit parin. Painful but everything is now in the past. Hindi ko na siguro siya mababawi kasi masaya na siya sa girlfriend niya.
I let you know my story to teach all of you a lessson. Lalo na ang mga girls, kung alam niyong gusto niyo at alam niying sincere naman sa inyo, don't waste the chance. Huwag niyong hayaan na mawala yung taong alam niyong hindi niyo kayang makita na hawak ng iba, na masaya sa piling ng iba. This may sound clichè but, it is really true that the courtship doesn't necessarily take too long, the relationship does.
And to you, my TOTGA, be happy always. You know I want you to be happy ako man o hindi ang kasama mo. 😊
Bubbles πŸ’™ 2019 
 


For more stories CLICK HERE

 

 

 

Wednesday, 22 May 2019

He cheated hindi ibig sabihin talo ka na.




For more stories CLICK HERE

 

 

"He cheated hindi ibig sabihin talo ka na." 

                                                                           *Unknownfighter


                Just a random reader a few days ago but now I'm sharing my story.
Mahal ka man kakayanin paring magloko.
Ldr is one of the hardest version of relationship. Hindi mo alam kung mahal ka ba. Kung okay pa ba ang relasyon niyo knowing na nasa malayo siya. Tumaya ako sa isang relasyon hindi dahil hindi na ako takot masaktan kundi dahil nakita ko sa kaniya ang pag-asang mamahalin rin ako ng isang lalake. Hindi siya maeffort. Never siyang nagbibigay ng regalo but okay saken dahil ayaw ko namang nareregaluhan. Pero he never failed to amused me. Never niyang pinaramdam sakin na kulang siya, and lahat ng nakakakilala sa kaniya kilala siya bilang "faithful partner". Sabi nila " Siya ikaw lang nakikita, posibleng magkagusto sa iba".
Ngayong holy week, umuwi siya, siyempre anlayo niya, almost 4 months kaming di nagkita. Siyempre as gf, kukunin mo cp niya para magbasa ng kung ano ano. Until nakita ko ang isang registered number. Binasa ko lahat ng convo, my partner cheated. Worst, ex niya yun.
Hindi ako nagwala. Nakipag-usap muna ako kina mama ganon dahil nasa bahay siya, until nasolo ko siya. Sabi ko, "Saan ako nagkulang? ". Never in my life tumingin ako sa iba. Never kong piniling saktan siya, pero bat ganon, kailangang gaguhin ako. But I remember him telling me that day na he made a huge mistake, na mapapatawad ko ba, and I answered without hesistation"Of course Yes, As long humingi ka ng tawad baby".
The moment nagsink in sakin yung pag-amin niya, maybe he deserved second chance. Maybe he'll be better and it will be better in the second time.
Maybe some of you will say na "How stupid! ". Come on guys, pagbalibaliktarin natin ang mundo, sa love kailangan mong sumugal, kailangan mong itaya yung sarili mo. Hindi sa lahat ng pagkakataon, mag stay tayo sa tabi nalang, hindi na iimik dahil nasaktan. Come on, bitches doesn't have happy ending. Tayong tunay na nagmamahal ang mayroon. As long willing ang partner niyo para mapatawad then take a risk.
So what if magloloko parin, so what if masasaktan tayo. At least we're not losers. Pinaglaban natin yung pagmamahal at karapatan naten.
And to you, baby, stop saying sorry, stop saying na di mo na gagawin ulit. I need you to fix me again. Yung sakit sa puso ko takpan mo. Ipakita mong deserve mo tong second chance.
Lastly, sa lahat ng malalanding di kayang rumespeto, Diyos na ang bahala. Wag niyong hayaang palipasan lang kayo ng mga uhaw. Kung alam niyong may jowa wag ng patulan. Kung may namagitan man sa inyo noon, kalimutan nalang. Act like a lady. Wag masyadong malandi.
No more Jelai Andres. If this love, then so be it. Kapag mahal mo, paglaban mo but remember lalaban lang kung alam mong ikaw ang panalo. And my story says "He doesn't deserves btchs, mine is mine".
"It is hard to repair what had been broken but it is much harder to forget the person who makes you remember your worth to live."


*Unknownfighter



For more stories CLICK HERE

 

 

 

BAKIT AKO SINGLE?




For more stories CLICK HERE

 


BAKIT AKO SINGLE? 
          by TeacherNaSingleKasiHindiTaken

             "Kasi mahal ko e. Kaya ako sumugal! Nabuhay ako sa "what if". Ayokong magsisi sa huli na hindi ko man lang sinubukan. Gusto kong malaman kung ano yung magiging ending nito kahit alam kong sa una pa lang, wala nang kasiguraduhan to!"
Way back 2013, nagkakilala kami, babaero daw siya sabi ng mga nakakakilala sakanya. Napatunayan ko yun dahil habang nililigawan niya pa lang ako, ang dami ko nang nakikitang mga kalandian niya sa text at sa personal. Pero nagbago naman siya nung naging kami na.
Bago pa maging kami, hindi nagkulang magpaalala sakin yung mga taong nasa paligid namin. Hindi sila nagkulang na kumbinsihin ako na wag nang ituloy to. Ako lang ang nagpumilit. Bakit? Kasi mahal ko e. Kaya walang ibang dapat sisihin kundi ako, dahil tinuloy ko pa rin. What if, magwork dba? What if, hindi mangyari yung mga sinasabi nila? What if, may happy ending naman pala? What if....
Siya yung naging boyfriend ko na naging seryoso at minahal ko talaga! Noong una, ayaw kong ipakilala siya sa family ko, dahil sa religion niya at ayaw ko din yung idea na pano kung maghiwalay kami tapos kilala na siya ng family ko, ang pangit ng setup kapag ganun dba! Pero sa huli, pinakilala ko din, dahil yun ang gusto niya kahit medyo alangan ako.
Mabait siya sobra. Mas matanda ako sa kanya pero mas matured siya mag-isip. Maalaga. Mapagpasensya. Maalalahanin. Responsable. Marunong makisama. Kaya nagustuhan din siya ng family ko. Actually, siya yung unang bf ko na pinakilala ko sa family ko.
Naging masaya yung 1st year ng relationship namin. At pag sinabi kong masaya, masaya talaga. Kasi walang naganap na lokohan e. πŸ˜‚ Kahit na napaka'nagger ko pa nung mga panahong yun, pinagpasensyahan niya lang yung kasungitan at mga sumpong ko. 😊
Pero nag'iba ang lahat nung 2-3 taon na kami. Puro na lokohan. Puro na away. Puro na break. Siguro di na mabibilang sa mga daliri sa kamay at paa yung mga oras na sinabi naming "maghiwalay na tayo". Pero sabi nga dba, mag-aaway lang pero hindi maghihiwalay. Haha. Kaya yung isang taon, naging dalawa, tatlo, apat, lima....
Umabot kami ng limang taon. Sa 4-5 years namin, naging matured na kami. Pero hindi na gaya ng dati. Wala ng masyadong kilig. Di na exciting. Araw-araw ba naman kaming nagkikita eh. Haha. Pero mahal namin ang isa't isa kaya nag'stay pa rin kmi at syempre wala nang lokohan. 😍 Pero ang masaklap, hindi man lang niya sinabi sakin na 5 years lang pala yung contract namin. Hahaha! Di niya ko ininform! πŸ˜…
Naalala ko nung college pa ako, sabi ko sakanya 25 yrs old ako mag'aasawa (pagka'graduate ko ng college). Pero nung 25 na ako, inisip ko muna magtrabaho, matulungan pamilya ko. Hindi naman ako pinagtapos para mag'asawa dba? Kaya yung 25, naging 28. Kaso, seryoso pala siya sa sinabi niya noon, na maghihintay siya hanggang maging 25 ako, pero binalewala ko lang. Inisip ko yung sarili ko. Yung sasabihin ng pamilya ko. Yung sasabihin ng ibang tao. Yung natapos ko na baka mapunta lang sa wala kapag inuna ko ang pag-aasawa. Hindi ko naisip na mapapagod pala siyang maghintay. Mapapagod pala siyang intindihin yung ginagawa ko. Yung gawin yung gusto ko na unahin yung career ko.
"Hindi ko inaasahan na yung 25 yrs old na ako na dapat bubuo na kami ng sariling pamilya ay yun din pala yung edad ko na magkakahiwalay kami at bubuo siya ng sariling pamilya kasama ng iba. πŸ’”"
Yes. Tama ang nabasa niyo! Literal na bubuo na siya ng sarili niyang pamilya dahil halos kalahating buwan pagkatapos namin maghiwalay ay ikinasal siya. Nakaplano na yung kasal. Yung paghihiwalay na lang talaga namin ang kulang. Hahaha.
Ipinagkasundo siya sa babaeng katulad nila. Sa babaeng hindi niya mahal, pero mamahalin niya habambuhay. Sa babaeng hindi niya kasintahan, pero magiging asawa niya. Sa babaeng hindi niya nakasama ng matagal, pero makakasama niya hanggang sa pagtanda. Sa babaeng unang beses niya pa lang makikita sa araw ng kasal nila. Sa babaeng ipinagtagpo at ITINADHANA para sa kanya. (Wala na akong laban dun! Itinadhana na eh!) πŸ˜‚πŸ˜‡
Hindi naging madali para sa amin ang magpaalam sa isa't isa. Alam naming pareho na ginawa namin lahat para lang maging kami sa huli, pero hindi talaga sinang-ayunan ni Lord yung love story namin eh. Hahaha. Hindi sapat na mahal niyo lang ang isa't isa. May mga tao talagang dapat pakawalan kahit ayaw mo...
Natatandaan kong humingi siya ng sorry sakin dahil sa posibilidad na makita ko pictures nila. Sabi mo pa, "sorry sa mga makikita mo." Nung makita ko yung wedding photos nila, nasabi ko sa sarili ko na "Eto na talaga! Eto na yung araw na dapat magmove on na talaga ako."
Ngayon... masasabi kong nabawasan na yung sakit. Tanggap ko na. Di na ako umaasa. Tuloy pa din naman ang buhay. Yung sinabi ko dati na, hindi ko kaya pag wala siya, hindi pala totoo yun! Hahaha! Kasi kapag nandun ka na mismo sa sitwasyon, makakaya mo e. Lalo na pag hindi mo na kontrolado yung sitwasyon. Mapipilitan kang kayanin! Kasi wala ka nang ibang magagawa kundi kayanin. πŸ™‚ Walang ibang tutulong sayo, kundi sarili mo lang.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
: Alam kong ipinaglaban mo ako. Alam kong maraming beses na ako yung pinili mo. Alam kong hindi mo sinadyang iwanan ako. Alam kong hindi mo kagustuhan yung nangyari satin. Alam kong wala sa akin yung desisyon para tapusin o ituloy yung relasyon natin. Pero gusto ko lang malaman mo na, oo pinakawalan kita (dahil yun ang hinihingi ng pagkakataon) pero hindi kita sinukuan. Hindi ako sumuko....
Masaya ako para sayo. (Sa sobrang saya ko mapapasabi na lang akong "sana all" πŸ˜‚) Wala ng sakit. Wala ng malulungkot na sandali. Wala ng break. Wala ng pagtatago. Wala ng mahihirap na desisyon. Wala ng pagsuway. Malaya ka na!
"Hindi ko kailangan na kalimutan ka. Ang gusto ko lang, mawala yung nararamdaman ko para sayo."
Maraming salamat sa lahat ng malulungkot at masasayang alaala na magiging kwento na lang pagdating ng araw. πŸ™‚ Itinadhana lang tayong maging stranghero na may mga alaala ng bawat isa. πŸ’•
PS: Wala akong balak na guluhin kayo/sila. Kaya kalma lang. Hindi ko pinangarap na maging..... πŸ˜‚ At isa pa, LOVE ako ng mama ko. 😜❤️
PSS: Hindi niya mababasa 'to dahil hindi naman siya mahilig magbasa ng mga ganito. πŸ˜…
Salamat sa pagbabasa ng aking buhay pag-ibig. πŸ˜‚πŸ˜ŠπŸ˜
GOD BLESS! HAVE A NICE DAY! ^_^
2018







For more stories CLICK HERE

 

 

 

Tuesday, 21 May 2019

I'm Inlove with BFF's Cousin




For more stories CLICK HERE

 I'm Inlove with BFF's Cousin.

                                                                       by Jhen BSIT


                  Itago nyo nalang po ako sa pangalang Jhen. kakagraduate ko lang ng elem. ng magkacrush ako sa pinsan ng bestfriend ko. Tuwing summer umuuwi sila ng family nya para magbakasyon dito sa probinsya. One Time pinakanta ako ng pastor namin dahil may mga bisita din kami na mga taga USA na Adventist din. Kinakabahan ako nun at idagdag mo pa yung kakaibang tingin nya sakin. Fast forward tayo, dumating ang pasukan so 1st yr. high school na ako sya naman bumalik na sa manila. Habang nag-uusap kami ng bestfriend kong si Mitch biglang tumunog cp cu at unknown number pa ang nakalagay. Hindi ko nalang pinansin baka kung sinu-sino lang at pagtitripan lang ako. Pag-uwi ko nun sa bahay tingin agad sa cp ko pag-open ko ang daming miss call at lahat yun galing sa unknown number. Tinext ko kaagad kung sino sya naisip ko baka importante pala. Maya-maya nagreply kaagad sya na "si jp 'to pinsan ni mitch" biglang bumilis yung tibok ng puso ko dahil sa saya. Doon na nagsimula na madalas na kaming magkatxt at magkausap minsan magdamagan pa kung walang pasok. Habang tumatagal lumalalim na yung nararamdaman ko para sa kanya pero hindi ako nagtatapat sa kanya dahil ayoko naman na iwasan nya 'ko. Sobrang sweet nya at sobrang bait pa, kung minsan kinakantahan nya 'ko habang naggigitara sya. Dumating na ulit ang bakasyon umuwi ulit sila dito. Madalas kaming magkasama at mamasyal. Kahit walang kami pinakilala nya parin ako sa family nya ganun din ako pinakilala ko din sya sa family ko. April 23, 2009 fiesta nun samin pumunta kami sa carnival, doon na sya nagtapat sakin at matagal nya na daw akong gusto unang kita nya palang daw sakin. Syempre ang saya ko nun at umamin na din ako sa kanya na gusto ko sya. Hanggang sa nanligaw na sya sakin at sinagot ko kaagad sya at alam na din ng parents namin nun. Wala namang problema sa kanila at boto din sila para saming dalawa pero dahil medyo bata pa kami nun kailangan mas focus pa din kami sa study namin. Dumaan ang araw, linggo, buwan at taon wala pa din nagbabago mas lalo pang tumibay ang relasyon namin. Hanggang sa namatay ang lolo nya umuwi sila dito ng family nya. Sobra ang pagkocomfort ko sa kanya at kapag nag-uusap kami bigla syang iiyak at yayakapin ako. Mahal na mahal nya kasi ang lolo nya at paborito din sya sa mga apo. Mabait kasi sya at masunurin kaya wala na din akong hinihiling na iba pa kasi sapat na din sya sakin. Dumating yung hindi ko inaasahan, after ng libing ng lolo nya umuwi kaagad sila dahil may pasok pa at umabsent lang sya ng 1 week. Nagbago na ang lahat pati sya nagbago na din ng pakikitungo sakin. Madalas nya na akong inaaway kahit wala naman akong ginagawang masama. Hanggang sa sinabi na sa akin ng kapatid nya na may ibang babae na daw ang kuya nya. Nung una hindi ako naniwala pero nung tinanong ko sya umamin kaagad sya sakin. Sobrang sakit nun sakin kasi 1st bf ko sya at 1st love ko pa sya. Lahat naman ginawa ko para sa kanya kahit LDR kaming dalawa kinaya ko. Gusto kong makipaghiwalay nun sa kanya pero mas nangingibabaw sakin yung pagmamahal ko sa kanya. Tanga na kung tanga pero mahal ko talaga sya kaya kahit may iba na sya pinipilit ko parin na ipaglaban sya kahit alam ko sa bandang huli ako parin ang talo. Nagttxt pa din ako sa kanya at tumatawag kahit walang reply ok lang, basta alam nya na hindi ko sya susukuan. Dumating ulit ang summer umuwi sila dito ganun pa din ang trato nya sakin. Nanlamig na talaga sya sakin at para akong unti-unting pinapatay. Kinausap ko sya nun kung ano ba talaga ang nangyari samin, sa relasyon namin. Habang nag-uusap kami umiiyak ako dahil sa sama ng loob at sakit na nararamdaman ko. Umuwi ako nun at hindi na nagpahatid sa kanya pero hindi ko inaasahan yung mangyayari sakin. Sa sobrang tuliro ko hindi ko napansin na may sasakyan na malapit sakin at dun na din ako nabangga. 8 months akong comatose sabi ng parents ko at sya yung nagbabantay sakin sa hospital. Hanggang ngayon kapag naaalala ko yun naiinis pa din ako sa kanya dahil sa ginawa nya sakin.
Ito lang po muna yung mashashare ko sa inyo, sa susunod na po yung part 2. Medyo mahaba pa po kasi yan. Sana po nagustuhan nyo yung story ko.
Magiging kami pa kaya sa bandang huli?
Malalaman nyo nalang po yan sa part 2. Salamat po sa mga nagbasa.
Jhen BSIT






For more stories CLICK HERE