Akala ko faithful, hindi pala!
By the way this is not my story, I just want to share an experience. So
define ko muna yung 'faithfulness', ito para sakin yung kahit hindi mo
kaharap yung taong mahal mo ay hindi mo sya ikakaila! Faithfulness is
not just being loyal, ito yung may nakatingin man o wala willing ka pa
ring sabihin na may girlfriend ka. So here it goes, bilang isang
dakilang user ng social media ay hindi maiiwasan na meron akong real
life couple na iniistalk. Yun bang pag nagtayo sila ng fan base e baka
ako na yung president sa dami ng alam ko sa relationship nila. Masyado
kasi silang open in Facebook to the point na ultimo simpleng pag-aayaw,
lambingan, tampuhan e ipopost sa facebook. Syempre nga lagi kong
nakikita yung mga pagmemention nila sa isa't isa at mga sweet pictures
nila kaya pamilyar na ko sa mga faces nila. Si Ate Girl kasi e
schoolmate ko dati while si Kuya Boy ay kapatid nung kakilala ko.
Matagal na sila actually, at nagkahiwalay na rin sila before pero
nagkabalikan naman. One time, nagpatawag ng orientation para sa mga
iskolar, dun sa event ay meron ding tshirt giving, kakemehan ng mga
kandidato. Dun ko nalaman na si Kuya Boy pala ay isang iskolar. Para
maclaim yung shirt kelangang pumila alphabetically, and it happens na
ako at si Kuya Boy ay parehas ng surname. So magkasunuran lang kami,
nauuna sya. May tatlong papel dun, parang attendance na pipirmahan.
Tapos pagkasign nya sa isa e yayagyag na agad sya. Sabi nong coor e
"Iho, san baga ang iyong tungo? Hindi pa tapos e paalis na agad , ikaw
baga' y inaantay ng iyong girlfriend? Aba'y madaling madali e." Then he
answered with a serious tone, "Aba'y wala nga hong girlfriend! Wala hong
nag-aantay." I was a little bit shocked, hindi ko alam na wala na pala
sila. Although it's not their responsibility naman na ipaalam sa akin e
nalungkot pa din ako. So after kong makuha yung shirt ko e inistalk ko e
ate girl. Then nakita ko na bio pa pala nya sa account nya si Kuya Boy
at yung featured photo e silang dalawa. Yah, maybe it's just a little
thing pero sobra akong nadisappoint kay Kuyaa. Yung mga posts nya kasi
sa social media almost tell me na he loves his girlfriend so much. Pero
kung itanggi nya sa ibang tao e sobra sobra. Di ba, nakakatakot akong
maging facebook friend kasi napakastalker koo. Don't worry, harmless
naman ako. Hindi lang talaga ako mapanatag knowing na nasaksihan ko kung
paano sya itinggi nung boyfriend nya. Like what I've mention, I know
ate girl and she is indeed a great woman. Mabait, maganda, matalino. At
si kuya boy naman ay may itsura, hindi ko lang sure kung mabait or kung
matalino, pero siguro matalino sya, iskolar e. Hahahahha.
To all the
ate girls right there, I really salute you for trusting your man, with
or without assurance. I just hope that you really get the love you
deserve. Wishing for your happy ending ❤️
And to all the Kuya Boys right there, I know na hindi naman lahat
kagaya nung kakilala ko, pero I hope na sinusuklian nyo ng todo todong
honesty yung trust na binibigay sa inyo. Always stay faithful, not just
loyal. Itaas nyo ang bandera ng kalalakihan at ipakitang mali na
nagkakaroon ng stereotyping sa gender nyoo. Ipakita nyo na hindi lahat
ng lalaki e manloloko at nagloloko 😉
Anyways, I'm sharing this hindi dahil gusto kong magkaroon kayo ng
doubt sa partners nyoo. I just want you to live with the reality na
hindi lahat faithful. Pero never be afraid of trusting people. Hindi
naman lahat kagaya ni Kuya Boy.
No comments:
Post a Comment