Wednesday, 29 May 2019

The One That Got Away



For more stories CLICK HERE 

"The One That Got Away"                                                       Bubbles 💙 2019  
Hi, please let me tell you my story, our story. But please admins, if you are going to post this one, please hide my identity. Thank you in advance.
We were grade two when we first met each other. We were classmates back then. Hindi kami close, hindi rin kami madalas magkausap. Hindi nga namin narealize na magkaklase kami hanggang grade six kami. When we were on our last years in elementary, we suddenly become closr to each other. We became friends. Siguro dahil 'yung mga friends niya ay naging friends ko na rin. In short, naging magbarkada kami, ganon. Super naging close kami, until one day, narealize ko na lang ma crush ko na pala siya. Simpleng crush lang iyon, noon. Naalala ko na sabay pa kaming nag exam sa isang school dahil napag usapan namin na sa highschool, pareho kami ng school na papasukan. Pero, yung mommy ko kasi, sa iba ako inenroll. He was sad. Nagtampo pa siya sa akin noon. Pero the communication was still there. Uso na noon ang facebook chats kaya hindi mahirap makipagcommunicate sa kanya. Nang mag second year highschool kami, aaminin ko na hindi na ganoon kadalas ang pag uusap namin. Syempre, magkaiba kami ng school, magkaiba na rin kami ng friends. Third year ako nang sinabi ng mama ko na uuwi na kami sa probinsya nila. To make the long story short, 4 years kaming walang balita sa isa't-isa. Last year, nag usap usap yung mga kaklase ko na bakit daw hindi kami mag reunion, we all agreed. And there, after years, nakita ko ulit siya. Pakiramdam ko mas guwapo siya. We bond, nakapag usap kami nung reunion at kahit pagkatapos ng reunion namin, madalas parin kaming nag uusap. Consistent yung good morning at good night messages. Until, isang araw, sinabi niya sa akin na liligawan niya daw ako. Noong una, ayoko talaga. Hindi ako komportable at hindi ako sanay. Pero mapilit siya. Hihintayin niya raw ako. Natuwa ako. Umasa. And for months, napatunayan naman siya na maghihintay siya. Pero talaga yatang hindi pa ako handa dahil nang isang beses na tanungin niya ako kung kailan ko siya sasagutin ay sinabi kong hindi ko alam. I know, he's been waiting for too long, or not. Kasi 5 months pa lang naman. Kumbaga nagsisimula pa lang naman kami. Nagsisimula pa lang siyang patunayan ang sarili niya. Pero sabi ko, kung hindi na siya makakapaghintay, itigil na lang niya. Tigilan na lang muna namin. It was a hard decision for me dahil alam ko naman na gusto ko siya. Pero masama ba kung paghintayin ko pa siya ng mas matagal? Pero ayun nga, he stopped courting me. Few weeks after, nalaman kong may girlfriend na pala siya. Nasaktan ako noon. Kasi gusto ko naman talaga siya eh. Maaaring hindi ko nasabi agad, pero alam ko, naiparamdam ko sa kanya iyon. Madalas naiisip ko na baka nga kasalanan ko, kasi pimnaghintay ko siya. Hindi man katagalan, pero alam kong walang kasiguraduhan kaya nagsawa siya. Masakit parin. Painful but everything is now in the past. Hindi ko na siguro siya mababawi kasi masaya na siya sa girlfriend niya.
I let you know my story to teach all of you a lessson. Lalo na ang mga girls, kung alam niyong gusto niyo at alam niying sincere naman sa inyo, don't waste the chance. Huwag niyong hayaan na mawala yung taong alam niyong hindi niyo kayang makita na hawak ng iba, na masaya sa piling ng iba. This may sound clichè but, it is really true that the courtship doesn't necessarily take too long, the relationship does.
And to you, my TOTGA, be happy always. You know I want you to be happy ako man o hindi ang kasama mo. 😊
Bubbles 💙 2019 
 


For more stories CLICK HERE

 

 

 

No comments:

Post a Comment