Wednesday, 22 May 2019

BAKIT AKO SINGLE?




For more stories CLICK HERE

 


BAKIT AKO SINGLE? 
          by TeacherNaSingleKasiHindiTaken

             "Kasi mahal ko e. Kaya ako sumugal! Nabuhay ako sa "what if". Ayokong magsisi sa huli na hindi ko man lang sinubukan. Gusto kong malaman kung ano yung magiging ending nito kahit alam kong sa una pa lang, wala nang kasiguraduhan to!"
Way back 2013, nagkakilala kami, babaero daw siya sabi ng mga nakakakilala sakanya. Napatunayan ko yun dahil habang nililigawan niya pa lang ako, ang dami ko nang nakikitang mga kalandian niya sa text at sa personal. Pero nagbago naman siya nung naging kami na.
Bago pa maging kami, hindi nagkulang magpaalala sakin yung mga taong nasa paligid namin. Hindi sila nagkulang na kumbinsihin ako na wag nang ituloy to. Ako lang ang nagpumilit. Bakit? Kasi mahal ko e. Kaya walang ibang dapat sisihin kundi ako, dahil tinuloy ko pa rin. What if, magwork dba? What if, hindi mangyari yung mga sinasabi nila? What if, may happy ending naman pala? What if....
Siya yung naging boyfriend ko na naging seryoso at minahal ko talaga! Noong una, ayaw kong ipakilala siya sa family ko, dahil sa religion niya at ayaw ko din yung idea na pano kung maghiwalay kami tapos kilala na siya ng family ko, ang pangit ng setup kapag ganun dba! Pero sa huli, pinakilala ko din, dahil yun ang gusto niya kahit medyo alangan ako.
Mabait siya sobra. Mas matanda ako sa kanya pero mas matured siya mag-isip. Maalaga. Mapagpasensya. Maalalahanin. Responsable. Marunong makisama. Kaya nagustuhan din siya ng family ko. Actually, siya yung unang bf ko na pinakilala ko sa family ko.
Naging masaya yung 1st year ng relationship namin. At pag sinabi kong masaya, masaya talaga. Kasi walang naganap na lokohan e. 😂 Kahit na napaka'nagger ko pa nung mga panahong yun, pinagpasensyahan niya lang yung kasungitan at mga sumpong ko. 😊
Pero nag'iba ang lahat nung 2-3 taon na kami. Puro na lokohan. Puro na away. Puro na break. Siguro di na mabibilang sa mga daliri sa kamay at paa yung mga oras na sinabi naming "maghiwalay na tayo". Pero sabi nga dba, mag-aaway lang pero hindi maghihiwalay. Haha. Kaya yung isang taon, naging dalawa, tatlo, apat, lima....
Umabot kami ng limang taon. Sa 4-5 years namin, naging matured na kami. Pero hindi na gaya ng dati. Wala ng masyadong kilig. Di na exciting. Araw-araw ba naman kaming nagkikita eh. Haha. Pero mahal namin ang isa't isa kaya nag'stay pa rin kmi at syempre wala nang lokohan. 😍 Pero ang masaklap, hindi man lang niya sinabi sakin na 5 years lang pala yung contract namin. Hahaha! Di niya ko ininform! 😅
Naalala ko nung college pa ako, sabi ko sakanya 25 yrs old ako mag'aasawa (pagka'graduate ko ng college). Pero nung 25 na ako, inisip ko muna magtrabaho, matulungan pamilya ko. Hindi naman ako pinagtapos para mag'asawa dba? Kaya yung 25, naging 28. Kaso, seryoso pala siya sa sinabi niya noon, na maghihintay siya hanggang maging 25 ako, pero binalewala ko lang. Inisip ko yung sarili ko. Yung sasabihin ng pamilya ko. Yung sasabihin ng ibang tao. Yung natapos ko na baka mapunta lang sa wala kapag inuna ko ang pag-aasawa. Hindi ko naisip na mapapagod pala siyang maghintay. Mapapagod pala siyang intindihin yung ginagawa ko. Yung gawin yung gusto ko na unahin yung career ko.
"Hindi ko inaasahan na yung 25 yrs old na ako na dapat bubuo na kami ng sariling pamilya ay yun din pala yung edad ko na magkakahiwalay kami at bubuo siya ng sariling pamilya kasama ng iba. 💔"
Yes. Tama ang nabasa niyo! Literal na bubuo na siya ng sarili niyang pamilya dahil halos kalahating buwan pagkatapos namin maghiwalay ay ikinasal siya. Nakaplano na yung kasal. Yung paghihiwalay na lang talaga namin ang kulang. Hahaha.
Ipinagkasundo siya sa babaeng katulad nila. Sa babaeng hindi niya mahal, pero mamahalin niya habambuhay. Sa babaeng hindi niya kasintahan, pero magiging asawa niya. Sa babaeng hindi niya nakasama ng matagal, pero makakasama niya hanggang sa pagtanda. Sa babaeng unang beses niya pa lang makikita sa araw ng kasal nila. Sa babaeng ipinagtagpo at ITINADHANA para sa kanya. (Wala na akong laban dun! Itinadhana na eh!) 😂😇
Hindi naging madali para sa amin ang magpaalam sa isa't isa. Alam naming pareho na ginawa namin lahat para lang maging kami sa huli, pero hindi talaga sinang-ayunan ni Lord yung love story namin eh. Hahaha. Hindi sapat na mahal niyo lang ang isa't isa. May mga tao talagang dapat pakawalan kahit ayaw mo...
Natatandaan kong humingi siya ng sorry sakin dahil sa posibilidad na makita ko pictures nila. Sabi mo pa, "sorry sa mga makikita mo." Nung makita ko yung wedding photos nila, nasabi ko sa sarili ko na "Eto na talaga! Eto na yung araw na dapat magmove on na talaga ako."
Ngayon... masasabi kong nabawasan na yung sakit. Tanggap ko na. Di na ako umaasa. Tuloy pa din naman ang buhay. Yung sinabi ko dati na, hindi ko kaya pag wala siya, hindi pala totoo yun! Hahaha! Kasi kapag nandun ka na mismo sa sitwasyon, makakaya mo e. Lalo na pag hindi mo na kontrolado yung sitwasyon. Mapipilitan kang kayanin! Kasi wala ka nang ibang magagawa kundi kayanin. 🙂 Walang ibang tutulong sayo, kundi sarili mo lang.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
: Alam kong ipinaglaban mo ako. Alam kong maraming beses na ako yung pinili mo. Alam kong hindi mo sinadyang iwanan ako. Alam kong hindi mo kagustuhan yung nangyari satin. Alam kong wala sa akin yung desisyon para tapusin o ituloy yung relasyon natin. Pero gusto ko lang malaman mo na, oo pinakawalan kita (dahil yun ang hinihingi ng pagkakataon) pero hindi kita sinukuan. Hindi ako sumuko....
Masaya ako para sayo. (Sa sobrang saya ko mapapasabi na lang akong "sana all" 😂) Wala ng sakit. Wala ng malulungkot na sandali. Wala ng break. Wala ng pagtatago. Wala ng mahihirap na desisyon. Wala ng pagsuway. Malaya ka na!
"Hindi ko kailangan na kalimutan ka. Ang gusto ko lang, mawala yung nararamdaman ko para sayo."
Maraming salamat sa lahat ng malulungkot at masasayang alaala na magiging kwento na lang pagdating ng araw. 🙂 Itinadhana lang tayong maging stranghero na may mga alaala ng bawat isa. 💕
PS: Wala akong balak na guluhin kayo/sila. Kaya kalma lang. Hindi ko pinangarap na maging..... 😂 At isa pa, LOVE ako ng mama ko. 😜❤️
PSS: Hindi niya mababasa 'to dahil hindi naman siya mahilig magbasa ng mga ganito. 😅
Salamat sa pagbabasa ng aking buhay pag-ibig. 😂😊😍
GOD BLESS! HAVE A NICE DAY! ^_^
2018







For more stories CLICK HERE

 

 

 

No comments:

Post a Comment