Tuesday, 21 May 2019

I'm Inlove with BFF's Cousin




For more stories CLICK HERE

 I'm Inlove with BFF's Cousin.

                                                                       by Jhen BSIT


                  Itago nyo nalang po ako sa pangalang Jhen. kakagraduate ko lang ng elem. ng magkacrush ako sa pinsan ng bestfriend ko. Tuwing summer umuuwi sila ng family nya para magbakasyon dito sa probinsya. One Time pinakanta ako ng pastor namin dahil may mga bisita din kami na mga taga USA na Adventist din. Kinakabahan ako nun at idagdag mo pa yung kakaibang tingin nya sakin. Fast forward tayo, dumating ang pasukan so 1st yr. high school na ako sya naman bumalik na sa manila. Habang nag-uusap kami ng bestfriend kong si Mitch biglang tumunog cp cu at unknown number pa ang nakalagay. Hindi ko nalang pinansin baka kung sinu-sino lang at pagtitripan lang ako. Pag-uwi ko nun sa bahay tingin agad sa cp ko pag-open ko ang daming miss call at lahat yun galing sa unknown number. Tinext ko kaagad kung sino sya naisip ko baka importante pala. Maya-maya nagreply kaagad sya na "si jp 'to pinsan ni mitch" biglang bumilis yung tibok ng puso ko dahil sa saya. Doon na nagsimula na madalas na kaming magkatxt at magkausap minsan magdamagan pa kung walang pasok. Habang tumatagal lumalalim na yung nararamdaman ko para sa kanya pero hindi ako nagtatapat sa kanya dahil ayoko naman na iwasan nya 'ko. Sobrang sweet nya at sobrang bait pa, kung minsan kinakantahan nya 'ko habang naggigitara sya. Dumating na ulit ang bakasyon umuwi ulit sila dito. Madalas kaming magkasama at mamasyal. Kahit walang kami pinakilala nya parin ako sa family nya ganun din ako pinakilala ko din sya sa family ko. April 23, 2009 fiesta nun samin pumunta kami sa carnival, doon na sya nagtapat sakin at matagal nya na daw akong gusto unang kita nya palang daw sakin. Syempre ang saya ko nun at umamin na din ako sa kanya na gusto ko sya. Hanggang sa nanligaw na sya sakin at sinagot ko kaagad sya at alam na din ng parents namin nun. Wala namang problema sa kanila at boto din sila para saming dalawa pero dahil medyo bata pa kami nun kailangan mas focus pa din kami sa study namin. Dumaan ang araw, linggo, buwan at taon wala pa din nagbabago mas lalo pang tumibay ang relasyon namin. Hanggang sa namatay ang lolo nya umuwi sila dito ng family nya. Sobra ang pagkocomfort ko sa kanya at kapag nag-uusap kami bigla syang iiyak at yayakapin ako. Mahal na mahal nya kasi ang lolo nya at paborito din sya sa mga apo. Mabait kasi sya at masunurin kaya wala na din akong hinihiling na iba pa kasi sapat na din sya sakin. Dumating yung hindi ko inaasahan, after ng libing ng lolo nya umuwi kaagad sila dahil may pasok pa at umabsent lang sya ng 1 week. Nagbago na ang lahat pati sya nagbago na din ng pakikitungo sakin. Madalas nya na akong inaaway kahit wala naman akong ginagawang masama. Hanggang sa sinabi na sa akin ng kapatid nya na may ibang babae na daw ang kuya nya. Nung una hindi ako naniwala pero nung tinanong ko sya umamin kaagad sya sakin. Sobrang sakit nun sakin kasi 1st bf ko sya at 1st love ko pa sya. Lahat naman ginawa ko para sa kanya kahit LDR kaming dalawa kinaya ko. Gusto kong makipaghiwalay nun sa kanya pero mas nangingibabaw sakin yung pagmamahal ko sa kanya. Tanga na kung tanga pero mahal ko talaga sya kaya kahit may iba na sya pinipilit ko parin na ipaglaban sya kahit alam ko sa bandang huli ako parin ang talo. Nagttxt pa din ako sa kanya at tumatawag kahit walang reply ok lang, basta alam nya na hindi ko sya susukuan. Dumating ulit ang summer umuwi sila dito ganun pa din ang trato nya sakin. Nanlamig na talaga sya sakin at para akong unti-unting pinapatay. Kinausap ko sya nun kung ano ba talaga ang nangyari samin, sa relasyon namin. Habang nag-uusap kami umiiyak ako dahil sa sama ng loob at sakit na nararamdaman ko. Umuwi ako nun at hindi na nagpahatid sa kanya pero hindi ko inaasahan yung mangyayari sakin. Sa sobrang tuliro ko hindi ko napansin na may sasakyan na malapit sakin at dun na din ako nabangga. 8 months akong comatose sabi ng parents ko at sya yung nagbabantay sakin sa hospital. Hanggang ngayon kapag naaalala ko yun naiinis pa din ako sa kanya dahil sa ginawa nya sakin.
Ito lang po muna yung mashashare ko sa inyo, sa susunod na po yung part 2. Medyo mahaba pa po kasi yan. Sana po nagustuhan nyo yung story ko.
Magiging kami pa kaya sa bandang huli?
Malalaman nyo nalang po yan sa part 2. Salamat po sa mga nagbasa.
Jhen BSIT






For more stories CLICK HERE

 

 

 

No comments:

Post a Comment